top of page

Vendor sa Super Market ng Cotabato City, nanawagan sa lokal na pamahalaan na bigyang pansin ang kanilang sitwasyon dahil lugi na umano pagnakawan pa

iMINDSPH


Nagsusumamo ang vendor na si Maria Rose Cimafranca sa kanyang facebook post na sanay mabigyan sila ng pansin ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao.



Ayon sa post, lugi na umano, pagnakawan pa.



Marami na rin daw nagsilabasan na mga vendors dahil sa sobrang lugi.


Nawawala na rin umano ang mga dating customer dahil hindi na nabalik ang mga dating pwesto umano sa loob ng palengke.


Hindi na rin nakakabayad ng lisensiya dahil sa sobrang lugi.


Tinungo ng newsteam ang vendor, pero wala ito sa pwesto nila. Sinubukan ng newsteam na makuha ang pahayag ng iba pang vendor pero tumanggi sila na magpaunlak ng panayam.


Nakausap ng iMINDS Philippines ang Market Administrator na si Salabi Macacua, pinasinungalingan nito ang sinasabing nakawan.

Sinabi ni Macacua na kung may mga problema sa palengke, huwag agad magpost sa social media. Mas mainam aniya na agad makipag ugnayan sa kanilang tanggapan upang mabigyan ng solusyon ang problema.

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note
bottom of page