top of page

SUPREME COURT EN BANC RESOLUTIONS



Hindi pa natatanggap ng Bangsamoro Transition Authority at ng Bangsamoro General’s Office ang kopya ng mga resolutions na inisyu ng Supreme Court en banc kaugnay sa mga inihaing petitions hinggil sa Bangsamoro Electoral Code.

Pero ayon sa dating pinuno ng BAGO na ngayon ay minister ng MIILG at kasalukuyang Floor Leader ng BTA, Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, pinaghandaan na ng kanilang tanggapan noon ang usaping ito.


Sa mga en banc resolutions mula sa Supreme Court na may petsang June 27, 2023, at October 24, 2023, pinasasagot ang Bangsamoro Transition Authority hinggil sa mga inihaing petitions kabilang na ang inihain ni Atty. Dimnatang Pansar na Petition for Certiorari and Prohibition, (with Extremely Urgent Prayer for the Immediate Issuance of a Status Quo Ante order, Temporary Restraining Order and Writ of Preliminary Injunction; and Extremely Urgent Motion to Conduct Special Raffle. Ayon sa petition, void o unconstitutional ang Bangsamoro Electoral Code o ang Autonomy Act No. 35. Kasama ng abugado sa paghahatin ng petition sa Supreme Court si Abdul Rashid Balindong, Shariefuddin Lucman, Aleem Alibasher Abdullatif, Jamil Faisal Adiong, Rafsanjani Pendatun Ali, Mohajeran Balayman, Najia Pescadera, Sharif Jul Asiri Abirin, Abdul Muhaimin Abubakar, Mohammad Salmann Sakili, Sarib Hataman, Harisul Samanul, Sukarno Asri, and Mohammad Yusof Tidal Kung saan binibigyan lamang ng sampung ang BTA na sagutin ang petisyon. Pero ayon sa dating Bangsamoro Attorney General na ngayon ay ang minister ng MILG at kasalukuyang Floor Leader ng BTA, Atty. Sha Elija Dumama-Alba.

Wala pa silang natanggap na kopya ng resolutions bago man pa man siya umalis sa BAGO noong December 7, 2023. Pero ayon sa opisyal, handa silang sumagot saking matanggap na ang mga resolutions. March 8, 2023 nang aprubahan ng Bangsamoro Transition Authority ang BTA Bill No. 29. Ang Bangsamoro Autonomy Act No. 35, o ang Bangsamoro Electoral Code of 2023.


64 ang bumoto ng YES at zero o walang bumoto ng NO. Pero gaano nga ba kahalaga ang agarang pagtugon ng SC sa mga petitions na ito sa magiging kapalaran ng BEC bago ang 2025 parliament elections sa BARMM.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Commenting has been turned off.
bottom of page