iMINDSPH
Inaresto ang isang sundalo matapos itong walang habas na nagpaputok ng baril sa Barangay Bialong, Mlang, Cotabato alas 12:45 ng hapon, a-6 ng Enero.
Base sa report ng otoridad, tumanggap sila ng ulat hinggil sa pagpapaputok ng baril ng isang lalaki habang naglalakad sa daan na kalaunan ay kinilalang si Private First Class Dennis Pillado, 31-anyos, nakadestino sa 54th Engineering Brigade sa Luuk, Sulu na residente ng Barangay Liboo, Mlang, Cotabato.
Narekober ng arresting team sa posesyon at kontrol ng sundalo ang isang calibre .45 Rock Island Pistol, bala at mga magazine.
Pinoproseso na ng otoridad ang kasong Alarmed and Scandal na ihahain sa Provincial Prosecutor ng Kidapawan City para sa Inquest Proceeding.
Si Private First Class Dennise Pillado ang nagmaneho ng sasakyan nang aksidente itong bumangga sa metal road railings sa National Higway ng Mlang-Matalam kung saan tatlo ang nasawi at walo ang sugatan.
留言