top of page

Resolusyon na nananawagan sa pagbuo ng Ad Hoc Task Force upang tugunan ang mga hamon sa peace and order sa Maguindanao, Basilan at SGA, inparubahan ng Committee on Public Order and Safety

iMINDSPH


Nagpulong ang Committee on Public Order and Safety ng BTA Parliament ngayong araw, kung saan inaprubahan ng komite ang isang resolusyon na nananawagan sa pagbuo ng isang Ad Hoc Task Force upang tugunan ang mga hamon sa peace and order sa Maguindanao, Basilan, at sa Special Geographic Area.


Ipatutupad ng task force ang targeted operations at strategies para harapin ang lumalawak na security challenges sa mga nabanggit na lugar.


Tinalakay din sa meeting ang kasalukuyang sitwasyon hinggil sa land disputes sa rehiyon.


Ayon sa komite, naging pangalawa sa pangunahing dahiln ng “rido” sa rehiyon ang land disputes o away sa lugar sa pagitan ng taong 2020 at 2024.


Ayon sa komite, matagumpay na na-settled ng Ministry of Public Order and Safety ang 118 land dispute-related rido cases sa loob ng nabanggit na taon.


Positibo naman si C-P-O-S Presiding Officer Mohammad Kelie Antao sa mga natalakay sa pulong upang makabuo ng hakbang sa resolusyon sa mga hamon.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page