iMINDSPH
![](https://static.wixstatic.com/media/3b9ecd_0d660e6158784847827a89afda6c6858~mv2.png/v1/fill/w_980,h_551,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/3b9ecd_0d660e6158784847827a89afda6c6858~mv2.png)
Pinagtibay din ng BTA Parliament ang mga resolusyon na nananawagan sa otoridad na agad resolbahin ang mga insidente ng pamamaril kung saan biktima ang isang indigenous leader, huffadh, at ilang public servants.
![](https://static.wixstatic.com/media/3b9ecd_ec5c7699faf04200b151af49d4377684~mv2.png/v1/fill/w_980,h_551,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/3b9ecd_ec5c7699faf04200b151af49d4377684~mv2.png)
Kabilang dito ang pagpatay kay Baiwan Banog Angan sa Sitio Kukor, Barangay Mantao, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.
Ang pamamaril sa dalawang Hafidh sa Shariff Aguak, gayundin ang pagpatay kay Engr. Darlene Pacete sa Datu Odin Sinsuat.
At ang pamamaril patay kay Sonatria Gaspar, ang Assistant Schools Division Superintendent ng Sulu.
Panawagan ng BTA Parliament sa Philippine National Police na imbestigahan ang mga insidente at resolbahin ito sa lalong madaling panahon at mapanagot ang responsable sa krimen.
Kasama ito sa mga pinagtibay na resolusyon sa ginanap na sesyon, araw ng Martes, February 11 ng BTA Parliament.
Comments