top of page

Rep. Bai Dimple Mastura, binigyang pugay ang BARMM Government sa pag apruba sa BIPA 2024 sa isang thanksgiving-kanduli na isinagawa sa bayan ng Upi

iMINDSPH



Dumalo sa selebrasyon sina BARMM Interim Chief Minister Ahod Balawag “Al Haj Murad” Ebrahim, Maguindanao Vice Governor Thong Abas, Sultan Kudarat Mayor Datu Tucao Mastura, Datu Blah Sinsuat Mayor Marshall Sinsuat, Northern Kabuntalan Mayor Datu Ramil Dilangalen, Mother Kabuntalan Mayor Salaban Dicolano at iba pang mga opisyal ng lalawigan ng Maguindanao del Sur at mga miyembro ng BTA.



Ang BIPA 2024 ay isang batas na ipinasa ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) upang palakasin, palawakin at bigyan ng proteksiyon ang mga kapatid nating Indigenous Peoples (IP) patungkol sa kanilang ancestral domain, kasama na ang kanilang karapatang pantao, socio-cultural at economic well-being.



Sa Kongreso, co-author ang kongresista sa House Resolution 2005 na isang legislative inquiry tungkol sa implementasyon ng IPRA sa BARMM, partikular na ang usapin sa ancestral domain claims ng mga non-moro IPs.



Nanindigan ang mambabatas na gagawin nito ang lahat upang protektahan ang karapatan ng mga katutubo at ang kanilang mga pamayanan.


Si Congw. Dimple Mastura ay dating miyembro ng Committee on Indigenous People noong sya ay nasa BTA pa at kasalukuyang kasapi naman ng House Committee on Indigenous Cultural Communities and Indigenous Peoples sa Kongreso.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page