iMINDSPH
Sa ilalim ng BTA Bill No. 342 o ang proposed Bangsamoro Economic Zone Act of 2025, itatatag ang Bangsamoro Economic Zone Authority.
Ito ang magsisilbing pangunahing tanggapan ng rehiyon sa pangangasiwa sa mga economic zones.
Ang panukalang batas ay inihain ni Member of Parliament Marjanie Macasalong. Ang proposed measure ang magbibigay ng otoridad sa BEZA para sa pag establish ng economic zones, industrial areas at freeports sa BARMM.
Sakaling maisabatas, hindi na magtatayo ang BEZA ng bagong economic zones sa BARMM, ang mga kasalukuyang kalakalan sa BARMM na nasa ilalim ng BEZA ay maililipat na sa BEZA.
Ipinapanukala rin sa proposed bill ang pagkakaroon ng one-stop shop upang tulungan ang mga investors sa pag-navigate ng regulations sa mabisang paraan.
Nakatutok ang panukala sa mga lugar tulad ng Cotabato City, Marawi, at mga probinsya ng Maguindanao, Tawi-Tawi, at Basilan.
Sa ilalim din ng panukalang batas, ang mga negosyo na nakarehistro sa Bangsamoro Board of Investments at mga nag-ooperate sa Bangsamoro economic zones bago ang enactment ng BTA Bill No. 342 ay maililipat sa jurisdiction ng BEZA.
コメント