top of page

PETITION FOR DECLARATION OF FAILURE OF ELECTION SA COTABATO CITY NA INIHAIN NOONG MAY 2022, DINISMISS NG COMELEC DAHIL SA KAWALAN NG MERIT

iMINDSPH



Dinismissed ng COMELEC dahil sa lack of merit ang inihaing petition for Declaration of Failure of Election sa lungsod ng Cotabato.


Ito ang isinasaad sa COMELEC En Banc Resolution na may petsa na November 21, 2024.


Ang petition ay inihain ni former mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi noong May 10, 2022 laban sa Board of Canvassers ng Cotabato City at Office of the Election Officer ng syudad.


Sa social media post ng Tatak Guiani, inihayag na ang denisisyunan na petition ng COMELEC ay bukod pa sa inihaing Recount ng kanilang kampo.


Aminado naman si Mayor Bruce Matabalao sa kanyang social media post na ang petition ng failure of election ang kanyang tinukoy at hindi ang Recount.


Ipinapaubaya na umano ng alkalde sa COMELEC ang usapin at umaasang matutuldokan na ito.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page