iMINDSPH
Nilimas ng kawatan ang pera at gadget matapos nilooban ang isang bahay sa Rosary Heights 8, Cotabato City.
Nakita pa ng isa sa mga miyembro ng pamilya Moñasque ang pagtakas ng kawatan.
Pinaniwalaang, matagal nang minanmanan ng suspek ang bahay ng pamilya ni Roy Marlou Moñasque dahil tinakpan pa umano nito ng tsinelas ang kanilang CCTV.
Bakas ang paa ng kawatan kung saan ito dumaan sa loob ng kanilang bahay.
Nilooban ang bahay alas 3:15 ng umaga, a-6 ng Enero.
Sinabi ni Rosary Heights 8 Kagawad na si Reenerio Basa naireport na ang insidente sa barangay.
Commentaires