iMINDSPH
Ang gawing moderno ang mga imprastruktura sa rehiyon at mapahusay ang connectivity sa Bangsamoro Autonomous Region ang layunin ng Parliament Bill No. 343 o ang proposed Bangsamoro Infrastructure and Connectivity Development Act of 2024.
Ang panukalang batas ay inihain ni MP Baintan Ampatuan.
Ayon sa mambabatas, mas magiging attractive destinations para sa investments, trabaho, at mapapahusay ang kalidad ng buhay ng mga residente kapag naging moderno ang transporation, energy, at digital networks.
Nakasaad sa panukala ang pag upgrade at pag expand ng transportation infrastructure, kabilang na ang mga daan, tulay, pantalan, at paliparan.
Sa ilalim din ng proposed bill, itatatag ang Bangsamoro Infrastructure and Connectivity Development Authority o BICDA, isang independent body na responsable para sa pagpapaplano, pakikipag ugnayan at monitoring sa mga infrastructure projects sa rehiyon.
Itatatag din ang Bangsamoro Infrastructure Fund (BIF) para tustusan ang mga proyektong ito at tiyakin ang steady source ng funding.
Ang BIF ay kukunin sa annual budget ng BARMM, grants mula sa development partners, at private sector investments.
Isinusulong din sa panukala ang promote public-private partnerships (PPPs).
Co-authors ng panukala sina Members of Parliament Don Mustapha Loong, Rasul Ismael, Rasol Mitmug Jr., Laisa Alamia, Amilbahar Mawallil, Suharto Ambolodto, Tawakal Midtimbang, Jaafar Apollo Mikhail Matalam, Michael Midtimbang, Sittie Fahanie Uy-Oyod, Khalid Ma-Amor Hadji Abdullah, at Bassir Utto.
Comments