iMINDSPH

Umusad na sa ikalawang pagbasa sa BTA Parliament ang panukalang pagrequire sa mga government at private establishments sa pagkakaroon ng breastfeeding facilities.
Ito ang Parliament Bill No. 186.
Samantala, ang Parliament Bill No. 189 naman ay naglalayon na i-comply ang hospital manpower requirement ng congressionally approved 100-bed capacity sa Dr. Serapio B. Montaner Jr., Al Haj Memorial Hospital sa ilalim ng Republic Act No. 11870.
Habang ang PB No. 312 ay ang panukalang hinggil sa pagtatatag ng Bangsamoro People General Hospital na mayroong 50-bed capacity sa Special Geographic Area.
Ni-refer naman sa Committees on Women, Youth, Children, and Persons with Disabilities (CWYCP), Committee on Health (COH), at Finance, Budget and Management (CFBM) ang mga panukalang batas.
Comments