top of page

Panukalang batas na naglalayong bigyan ng Civil Service Eligibility ang Bangsamoro employees makalipas ang 10 years of service, isinusulong sa BTA Parliament

iMINDSPH



Isinusulong ni Member of Parliament Marjanie Macasalong ang Parliament Bill No. 345. Layunin ng panukalang batas na bigyan ng civil service eligibility ang mga Bangsamoro employees na job order, contract of service, casual, o contractual positions makalipas ang 10 years of service.



Ninanais ng mambabatas na kilalanin ang dedikasyon ng mga empleyado sa kanilang kontribusyon sa nakalipas na mga taon pero wala pang permanent position.



Sakaling maisabatas, mabibigyan ng pagkakataon ang empleyadong ito na magkaroon ng permanent appointments. Maaring sa kanilang kasalukuyang position o ibang posistion kung saan sila qualified alinsunod sa pagtukoy ng CSC.



Sa explanatory note ng panukalang batas, ang bagong batas ay magtitiyak na ang mga long-serving employees, kung saan karamihan sa mga ito ay may extensive experience at may malalim na pang unawa sa local needs, ay mabigyan ng mas magandang career prospects.


Sa ilalim ng panukalang batas, ang Bangsamoro CSC ang magiging responsible para sa pagdevelop ng mga kinakailangang rules and regulations upang matiyak pa rin ang merit-based system.


Co-authors ng panukalang batas sina MP Said Shiek, Mohammad Kelie Antao, Amroussi Macatanong, Abdulaziz Amenoden, Omar Yasser Sema, Ali Montaha Babao, Mudjib Abu, Rasul Ismael, Bai Maleiha Candao, Baileng Mantawil, Tawakal Midtimbang, Mohammad Yacob, Eddie Alih, Michael Midtimbang, Randolph Parcasio, Hatimil Hassan, at Froilyn Mendoza.

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page