top of page

PAGSASABATAS SA PROPOSED NORTHERN KABUNTALAN LEVEL I GENERAL HOSPITAL AT FREE DRIVER’S LICENSE PROCESSING PROGRAM, ILAN SA MGA IBINAHAGING ACCOMPLISHMENT NG TANGGAPAN NI MP HASHEMI DILANGALEN

iMINDSPH



Sa huling tatlong buwan ng 2024-


Ibinahagi ng tanggapan ni MP Hashemi Dilangalen ang kanilang accomplishment report, kabilang na dito ang pagsasabatas sa proposed Northern Kabuntalan Level I General Hospital-



At pangangasiwa sa mga hakbang hinggil sa legislative at administrative kaugnay sa pagpasa sa apat na hospital bill.



Namahagi rin ito ng 500,000 cash assistance sa recognized madaris personnel.



Mayroon ding 148 beneficiaries ang mambababatas sa libreng NC II Training at Certification, walumpu’t anim ang benepisyaryo sa Home Essentials para sa Local Patients Program-



1,050 beneficiaries ng libreng driver’s license processing program.



Mayroon ding labing walong indibidwal na tumanggap ng tig sampung libong piso na assistance para sa eye cataract operation.



Labing tatlo ang student grantees na tinulungan ng tanggapan sa ilalim ng Mujahideen Assistance Program.



Mahigit isang daang magsasaka rin ang tumanggap ng financial assistance.



Bukod dito, isa ang mambabatas sa tumulong para mapatayo ang gusali ng PICE Cotabato City-Maguindanao Chapter.



At pitong indibidwal na may kapansanan ang tumanggap ng wheelchair.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page