iMINDSPH
Naging matagumpay ang isinagawang 4th Quarter Joint Council Meeting ng Probinsya ng Maguindanao del Sur.
Tinalakay sa pulong ang mga paghahanda ng iba’t ibang konseho sa 2025 elections, seguridad na ipatutupad ng PNP at AFP, Anti-Drug Operation Updates, Weather updates at action plans ng PDRRMC, at PESWMB.
Iprenisenta rin sa pagpupulong ang mga karangalang natanggap ng Probinsya kabilang na rito ang Gawad Kalasag 2025, Seal of Good Local Governance 2025 at ISO certification.
Binigyang diin din sa pulong ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang pagpapatuloy ng mga hakbang pang kapayapaan ng Probinsya hanggang sa susunod na taon.
Comments