iMINDSPH
Mahigpit na ipapatupad ng Cotabato City PNP ang Ordinansa Bilang 2144 Series of 2003 at Republic Act 7183 na nagsasaad na ipinagbabawal ang paggawa, pagbenta, pamamahagi, pagkakaroon o paggamit ng anumang uri ng paputok (firecrackers) at sa ano mang magkahalintulad na gamit na sumasabog.
Ang mga ipinag babawal na paputok ay kinabibilangan ng Watusi, Piccolo, Pop pop, Five Star (Big), Pla-Pla, Lolo Thunder, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Atomic Bomb, Atomic Triangle, Large-size Judas Belt, Goodbye Delima, Hello Columbia, Goodbye Napoles, Super Yolanda, Mother Rockets, Kwiton, Super Lolo, Goodbye Bading, Goodbye Philippines, Bin Laden, Coke-in-Can, Pillbox, Kabasi, Special, Kingkong, Tuna, at Goodbye Chismosa.
Ayon sa otoridad, sino mang mahuhuli na lalabag sa ordinansa ay haharapin ang mga kaukulang kaparusahan:
Unang paglabag: Multa na P1,000.00 o pagkakulong ng hindi hihigit ng isang (1) buwan at hindi bababa ng isang (1) buwan o parehong multa at pagkakulong.
Pangalawang paglabag: Multa na P3,000.00 o pagkakulong ng hindi hihigit ng tatlong (3) buwan at hindi bababa ng dalawampu't (20) araw o parehong multa at pagkakulong.
Pangatlong paglabag: Multa na P5,000.00 o pagkakulong ng hindi hihigit ng anim (6) na buwan at hindi bababa ng tatlong (3) buwan o parehong multa at pagkakulong.
Bukod sa mga firecrackers-
Bawal din ang pagpapaputok ng baril.
Haharap sa kaukulang parusa ang mahuhuling nagpapaputok ng baril.
Maging responsable anya sa pag salubong ng bagong taon upang iwas sa disgrasya at magkaroon ng masaya at mapayapang bagong taon.
Comments