top of page

P9.8 smuggled cigarettes, nasamsam ng otoridad sa Davao City sa Task Force Sirawan Checkpoint; Driver ng van lulan ang mga ipinuslit na sigarilyo, arestado!

iMINDSPH


9.8 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes ang nakumpiska ng otoridad sa Davao City sa Task Force Sirawan Checkpoint.



Alas 3:40 ng hapon, araw ng Huwebes, January 16 nang pinigil sa joint check point ang close van.



Minamaneho ng 37-anyos na si alyas “Toy” ang van, residente ng Misamis Oriental.



Laman ng van ang 251 boxes ng mga ipinuslit na sigarilyo.


Pinahinto ang van matapos makatanggap ng report ang otoridad na isang close van ang dadaan sa lugar na hindi lehitimong J&T truck courier.


Nakumpirma din ng otoridad na ang driver ay hindi konektado sa nasabing kumpanya.


Diniteni sa Toril Police Station ang driver at mga nakumpiskang ebidensiya at nakatakda itong i turn over sa Burea of Customs para sa proper disposition.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page