top of page

P7B NA PROPOSED BUDGET NG OPAPRU PARA SA TAONG 2025, APRUBADO NA NG SENADO

iMINDSPH



Lusot na sa Senado ang proposed Php7.094 billion budget ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o OPAPRU para sa taong 2025.


Mula sa kabuuang pondo, Php 5.3 billion ang mapupunta sa implementasyon ng high impact projects ng OPAPRU sa ilalim ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn o PAMANA Program o mahigit 74% ng 2025 National Expenditure Program o NEP ng tanggapan.


Ang PAMANA ay isang national government’ comprehensive peace and development convergence program na ipinatutupad sa conflict-affected at vulnerable communities sa buong bansa kabilang dito ang community-level infrastructure facilities tulad ng mga daan, bridges, water systems, at housing units.


Sa ilalim ng 2025 NEP, naglaan ang OPAPRU ng 1B pesos para sa Luzon, 1.2B pesos para sa Visayas, at Php 2.7B para sa Mindanao para sa PAMANA projects na ipatutupad sa 15 regions, 47 provinces, at 120 municipalities nationwide.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page