iMINDSPH
Inaprubahan na ng Committee on Finance, Budget, and Management ng BTA Parliament ang P7.4 billion proposed budget ng Ministry of Health para sa taong 2025, araw ng Miyerkules, November 13.
Ang MOH ang pangatlong ministry na may pinaka-malaking budget sa buong BARMM Ministries.
Ayon kay Member of the Parliament and Health Minister Dr. Kadil Sinolinding, Jr., ang pagtaas ng budget mula sa nakaraang taon ay magpapalakas sa 56 health programs na naglalayong pahusayin pa ang access sa promotive, curative, at rehabilitative na mga healthcare services.
Kabilang sa makakapagbenepisyo sa nasabing budget ay ang Tiyakap Bangsamoro Kalusugan Program, Bangsamoro Medical Scholarship Program, Development Partners Coordinating Unit, Universal Health Care (UHC), Medical Outreach Program (MOP), at ang Bangsamoro Health Outreach Program for Everyone (HOPE).
Susuportahan rin ng budget na ito ang Surgical Outreach Programs and Pharmaceutical Services. Gayundin ang iba pang healthcare services tulad ng nutrition programs, immunization drives, mental health services, blood donation campaigns, at barangay-level healthcare support.
Comentários