iMINDSPH
Nasawi ang 40-anyos na negosyante na si Wahid Badong Ganial nang pagbabarilin alas-6 kaninang umaga sa palengke ng Guindulungan, Maguindanao del Sur.
Sugatan naman ang pamangkin nito na si Sirad Nanding Zainudin, 33-anyos.
Pawang mga residente ng Sitio Kapulan, Brgy. Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur ang dalawang biktima.
Ayon sa Guindulungan Police, sakay ng payong-payong ang mga biktima papuntang Public Market, nang bigla itong pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek na sakay ng kulay puting Mini Van na walang plate number.
Narekober naman ng mga otoridad ang limang hindi pa tukoy na basyo ng bala mula sa crime scene, at itinurn-over ito sa Regional Forensic Unit para sa ballistic examination.
Hindi pa tukoy ng otoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.
Comments