iMINDSPH
Bigas at food packages ang hatid ng Project TABANG sa mga residente ng Barangay Laum Buwahan sa Parang, at Barangay Bus-Bus, Jolo, Sulu.
Ito ay mula sa Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB program ng Project TABANG.
Isinagawa ang distribusyon mula a-29 hanggang a-30 ng Enero ngayong taon, kung saan mahigit animnapung residente ang benepisyaryo.
Ang Project TABANG ang isa sa mga flagship program ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim.
Comments