iMINDSPH
Sumailalim sa random drug testing ang lahat ng mga tauhan ng Cotabato City Police Office ngayong araw. Isinagawa ito sa Headquarters ng CCPO sa PC Hill, Rosary Heights 1, Cotabato City
Pinangunahan ito ni Police Colonel Jibin Bongcayao, ang director ng CPPO.
Ang hakbang ay bahagi ng pagpapanatili ng isang drug free workplace at pagtataguyod ng disiplina at propesyunalismo.
Layunin din nito na matiyak na magampanan ng mga pulis ang kanilang tungkulin na maayos sa isang lugar o opisina alinsunod sa polisiya ng hanay at batas.
Comments