iMINDSPH
Nagsagawa ng dalawang araw na training-workshop ang Sub-committee on Child Labor sa ilalim ng Barangay Council for the Protection of Children sa mga miyembro nito sa Barangay Looy, South Upi, Maguindanao del Sur.
Ito ay upang tugunan ang usapin ng Child Labour sa barangay.
Ang hakbang ay suportado ng ILO-Japan ARISE Child Labour Project na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Ministry of Labor and Employment, Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform, at Municipal Government ng South Upi.
Sa ilalim ng proyekto, binigyan ang mga miyembro ng computer para suportahan ang digital community-based child labour monitoring system (CB-CLMS) at magagamit sa data storage at analysis.
Ilalatag naman sa susunod na mga buwan ang Community Social Infrastructure Programmes (CSIP) sa lugar.
Comments