iMINDSPH
Nagharap sa pulong ang mga kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas mula sa tatlong distrito ng South Cotabato.
Pinangunahan ito ni PFP President, South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. Kasama ng gobernador si Vice Governor Arthur Pingoy, Jr.
Kabilang sa mga dumalo sina incumbent 1st District Congressman Isidro Lumayag, former 2nd District Congressman Ferdinand Hernandez, at Surallah Vice Mayor Antonio Bendita na syang kandidato ng PFP para sa Kongreso sa 3rd District.
Dumalo din ang lahat ng kandidato ng partido para sa Sangguniang Panlalawigan, mga Mayor, Vice Mayors at mga municipal councilors mula sa lahat ng bayan ng South Cotabato.
Ayon sa gobernador na pangulo ng partido, handang-handa na ang boung Team Boses ng South Cotabato para sa pagpapatuloy ng Tama at Maayos na Serbisyo!
Kommentare