top of page

MAHIGIT 30 ASSORTED LOOSE FIREARMS, ITINURN OVER SA MILITAR NG MGA CONCERNED CITIZENS NG COTABATO CITY

iMINDSPH


Pormal na itinurn over ng mga concerned citizens mula sa iba’t ibang barangay sa Cotabato City ang mahigit tatlumpong iba’t ibang uri ng loose firearms.



Isinagawa ngayong hapon ang seremonya sa People’s Palace. Pinangasiwaan ito ng 1st Marine Brigade, Joint Task Force Central at Cotabato City Police Office.



Bahagi ito ng pinalakas ng Small and Light Weapons o SAL-W program ng gobyerno.



Ayon kay 1st Marine Brigade Commander, Brigadier General Romulo Quemado, tapos na ang giyera at panahon na para anihin ang mga gains ng peace process.


Ayon sa militar, simula pa lamang ito at marami pang armas ang inaasahang iturn over mula sa Cotabato City.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page