iMINDSPH
Nagsagawa ang provincial government ng Maguindanao del Sur ng community awareness program para sa mga kababaihang miyembro ng Indigenous People sa bayan ng Datu Paglas.
Bahagi ito ng pakikiisa ng probinsya sa 18-day Campaign to end Violence Against Women o VAW.
Pinangunahan ni Provincial GAD Focal Person Nor-Eimman Balayman-Dalaten ang programa kung saan ipinaliwanag nito ang nakapaloob sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act" at ang RA 11596 o " An Act Prohibiting the Practice of Child Early and Forced Marriage".
Mas binigyang diin sa programa ang mga probisyong mag poprotekta sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan laban sa pansasamantala at pang aabuso. Aktibong nakihalok ang mga partisipante sa program.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga ito sa pamahalaang panlalawigan sa handog ng Food Packs at Hygiene kit na ipinamahagi ng Provincial Gender and Development Office.
コメント