iMINDSPH
Kalaboso ang magkapatid na Mohamad, 32-anyos at Alnel, 25-anyos ng Purok Mapayag, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City matapos ang Search Warrant na isinagawa ng otoridad sa pamamahay ng mga ito.
Nakuha ng otoridad sa paghalughog ang isang bala ng 40mm at labing tatlong bala ng 7.62mm.
Isinilbi ang Search Warrant alas 4:30 ng hapon, araw ng Huwebes.
Ang mga nakuhang bala ay isasailalim sa Ballistic Examination ng RFU BAR at ituturn over sa CECU-COTABATO at RECU BAR para sa proper disposition.
Kasong paglabag sa Section 5 ng R.A 10591 at Section 1 ng RA 9516 na may kaugnayan sa PD 1866 ang haharapin ng mga naaresto.
Ang pagsisilbi ng Search Warrant ay ikinasa ng Cotabato City Police Office sa pangunguna ni PLTCOL CHRISTOPHER CABUGWANG, ang hepe ng Intelligence Unit sa ilalim ng supervision ni OIC Cotabato City Director, PCOL MICHAEL JOHN C MANGAHIS.
Comments