iMINDSPH
Patay ang mag-asawa nang barilin sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur. Dadalo lang sana sa isang kanduli ang mga biktima nang mangyari ang krimen.
Minamaneho ng 50 anyos na biktima na si Dairo Busao Dimaguil ang kanyang motorsiklo, sakay ang kanyang asawa na si Suraida, 64 years old at 14-anyos na anak nito-
Nang pagbabarilin alas 7:30 ng umaga, a-18 ng Enero sa Sitio Panag, Barangay Damalusay, Datu Paglas, Maguindanao del Sur ayon sa report ng Datu Paglas Municipal Police.
Patungo ng Matalam, Cotabato ang mga biktima na dadalo sana sa isang kanduli nang mangyari ang krimen.
Binaril ang mag-asawa sa harap mismo ng kanilang anak na ka-angkas din sa motorsiklo.
Dalawang tama ng bala sa dibdib ang tinamo ni Dairo at dalawang tama rin sa dibdib ang tinamo ni Suraida mula sa di matukoy na baril.
Agad umanong tumakas ang mga salarin matapos ang krimen.
Limang basyo ng bala ang natagpuan ng otoridad sa crime scene na dinala sa RFU BAR para sa ballistic examination.
Isinugod sa pagamutan ang mga biktima pero dineklara itong dead on arrival sa hospital ng attending physician.
Nakaligtas naman sa pamamaril ang anak ng mga biktima na dinala sa Datu Paglas Municipal Police.
Wala pang pagkakakilanlan ang otoridad sa mga salarin at hindi pa tukoy ang motibo sa krimen.
Comments