iMINDSPH
Tinungo ng Hatid ng Mapagkalingang Serbisyong Medikal at Pangkalusugan Outreach Program ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang Barangay Kuya, South Upi, Maguindanao del Sur sa patuloy na paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan.
Bukod dito, nagkaroon din ng
- Konsultasyong medikal at dental
- Libreng gamot
- Libreng tuli
- Feeding program
- Libreng reading glasses
- Libreng tsinelas
Isa ito sa mga itinataguyod ng programa ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa probinsya.
Mas pinahusay na rin ng provincial government ang paghahatid ng serbisyong medikal sa taumbayan.
Panawagan ng gobernador ng probinsya na sama-samang itaguyod ang isang mas malusog at mas matatag na komunidad para sa Maguindanao del Sur.
Comentarios