iMINDSPH
Bunga ng pagkakaisa ang pagiging recipient muli ng lokal na pamahalan ng Parang, Maguindanao ng Seal of Good Local Governance ng Department of Interior and Local Government o DILG para sa taong 2023.
Ayon kay Mayor Cahar Ibay, ito ay dahil sa pagtataguyod ng tamang serbisyo at ibayong pagmamahal.
Bukod sa SGLG award, Gawad KALASAG awardee din ang LGU para sa taong 2023 ng Office of Civil Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Ang Gawad KALASAG o KAlamidad at Sakuna LAbanan SAriling Galing ang Kaligtasan ay inorganisa ng OCD-NDRRMC at taunang isinagawa.
Komentáře