iMINDSPH
![](https://static.wixstatic.com/media/3b9ecd_f4d94ef4fa6b42aebdfd8191e92dae4a~mv2.png/v1/fill/w_664,h_664,al_c,q_90,enc_auto/3b9ecd_f4d94ef4fa6b42aebdfd8191e92dae4a~mv2.png)
Nasawi ang isang lalaki matapos barilin sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur.
Naganap ang pamamaril ala-7:50 ng umaga ng Huwebes, February 6 sa Barangay Bulit.
Sa imbestigasyon ng otoridad, binabaybay ng biktima ang lugar nang barilin ito ng hindi pa kilalang suspek.
Isinugod pa sa pagamutan ang biktima pero dineklara itong dead on arrival sa ospital.
Natagpuan sa lugar ang anim na fired cartridges mula sa di matukoy na kalibre ng baril na isusumite sa RFU BAR para sa ballistic examination.
Comments