iMINDSPH
Naglabas ng public advisory ang Integrated Provincial Health Unit ng Lanao del Sur hinggil sa kaso ng suspected monkeypox mula Barangay Masao, Malabang.
Ayon sa IPHO Lanao del Sur, nasa Amai Pakpak Medical Center ang pasyente at hinihintay na lamang ang resulta sa isinagawang test dito.
Bilang tugon, initaas ang Code White Alert sa buong pagamutan.
Ipinatutupad rin ng IPHO Lanao del Sur ang reactivation ng Disease Surveillance Units sa buong probinsya at pinalalakas ang monitoring, reporting, at response sa potential cases.
Nagkaroon din ng reactivation ng Task Force upang matiyak ang coordinated containment efforts, kabilang na ang contact tracing at public awareness campaigns.
Comments