iMINDSPH
Naka engkwentro ng 8th Scout Ranger Company ang hindi mabilang na miyembro ng DI-MG alas 12:55 sa Barangay Kalangan, Piagapo, a-25 ng Enero.
Nagresulta ito sa 15 minuto na palitan ng putok.
Makalipas ang ilang oras, naka engkwentro naman ng 44th Infantry Battalion ang mahigit kumulang 10 DI-MG na pinaniniwalaang pinamumunuan ni alyas “ Usman” sa pareho ring barangay.
Tumagal din ng halos 15 minuto ang bakbakan.
Ang serye ng military operations ayon sa Western Mindanao Command ay nagresulta sa pagkasawi ng isang DI-MG member at pagkakarecover ng isang M16 rifle; isang M14 rifle; thirty-two rounds ng 5.56mm ammunition; dalawang rifle grenades; limang piraso ng 7.62mm magazines; walong piraso ng Clip M1 Garand; tatlong piraso ng 5.56mm magazines; isang IED circuit indicator; at tatlong piraso ng clip M1 Garand; gayundin ng iba’t ibang personal items.
Isang sundalo ang sugatan sa engkwentro.
Pinuri naman ni Western Mindanao Commander, Lt. General Antonio Nafarrete maigiting na pagtugis ng Joint Task Force ZamPelan laban sa radical Islamist groups.
Nanawagan din ang WestMinCom Commander sa lahat ng militant groups na sumuko na at magbalik loob sa gobyerno upang makapamuhay ng ligtas sa karahasan.
Comments