iMINDSPH
Sa muling pagbabalik ng Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat -
Ilang residente ng Dinaig Proper ang nagkaroon ng hanap buhay sa Kabuhayan Showcase at kambing na handog ng LGU sa ilalim ng Ginhawa Program.
Nakapagbigay din ng Tulong Medikal hatid ng "Mayor Lester Clinic on Wheels" handog ang libreng Check up at Gamot.
Bumida din sa programa kanina ang PABISIKLETA NI YORME para sa mga Bata.
Sa huling bahagi ng programa, namahagi ng daan-daang FOOD PACKS laman ang bigas at Groceries, gayundin ng Vegetable Seeds.
Nagkaroon din ng Feeding Program at namahagi ng Slippers para sa mga bata sa tulong ng ating BNS - Barangay Nutrition Scholar.
Nabigyan din ng pagkakataon ang mga kababayan natin sa Brgy. DINAIG PROPER na maka-avail muli ng FREE Application ng Birth Registration, Senior Citizen, Solo Parent at PWD ID.
Ang Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat ay isang flagship program ng Lokal na Pamahalaan na syang inisyatibo ni Mayor Datu Lester Sinsuat. Ito ay isang konkretong hakbang para sa kapakanan ng mga residente ng Datu Odin Sinsuat.
Naisakatuparan ang matagumpay na aktibidad sa pakikipagtulungan ng TIYAKAP DLS Foundation ni Vice Governor Bai Ainee Sinsuat, ALAGANG DOS Foundation ni Vice Mayor Datu Sajid Sinsuat, Barangay Health Workers, BNS - Barangay Nutrition Scholar at 25th Marine Company, MBLT-5.
Comentários