iMINDSPH
![](https://static.wixstatic.com/media/3b9ecd_51ce5914e3d64cdd9a08b8703342d01f~mv2.png/v1/fill/w_980,h_735,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/3b9ecd_51ce5914e3d64cdd9a08b8703342d01f~mv2.png)
Pinangunahan ng mga kawani ng MDRRMO-DOS sa pangunguna ni Monesa Ayao Sale ang pagpapaabot ng tulong para sa mga pamilyang kapos o higit na nangangailangan na kasalukuyang naninirahan sa Barangay MARGUES, Datu Odin Sinsuat.
![](https://static.wixstatic.com/media/3b9ecd_927a71df37fc4f61a6c8d88b27670ac2~mv2.png/v1/fill/w_980,h_735,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/3b9ecd_927a71df37fc4f61a6c8d88b27670ac2~mv2.png)
Mula sa direktiba ni Mayor Datu Lester Sinsuat, agad na tinungo ng MDRRMO-DOS Team ang Brgy. MARGUES upang personal na makita ang kanilang kalagayan.
![](https://static.wixstatic.com/media/3b9ecd_1917b0be41184017b0b80c5242447f81~mv2.png/v1/fill/w_980,h_735,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/3b9ecd_1917b0be41184017b0b80c5242447f81~mv2.png)
Matatandaang naatasan noon ni Working Mayor Datu Lester Sinsuat ang MDRRMO na maghanap ng mga pamilyang nasa laylayan upang mapabilang sa mga benepisyaryo ng mga programa ng Lokal na Pamahalaan.
Ayon sa alkalde, ang tunay na malasakit ay makikita sa pagkalinga at pagtulong sa bawat komunidad.
Comentários