iMINDSPH
Napasakamay ng otoridad sa General Santos City ang isang ice cream vendor na Top 8 Most Wanted Person ng region 10 na nahaharap sa kasong murder.
Kinilala ito sa pangalang “Lito”, 30 years old, residente ng Purok Pag-asa 2, Bato, Plaridel, Misamis Occidental.
Isinilbi ang Warrant of Arrest sa Bulaong Public Terminal, General Santos City, a-29 ng Enero.
Dinala na sa CIDG Misamis Occidental PFU Office ang naaresto para sa proper disposition.
Isinagawa ang operasyon ng mga elemento ng Police Station 1, City Intelligence Unit, City Investigation and Detective Management Unit ng General Santos City Police Office sa pakikipagtulungan ng Regional Intelligence Division at Criminal Investigation and Detection Group Misamis Occidental Provincial Field Unit.
Comments