iMINDSPH
Pormal na naghain ng petition sa Supreme Court, araw ng Lunes, November 18, 2024 ang grupo ng concerned Bangsamoro at hiniling na ideklara na unconstitutional ang Republic Act 11593 na nagpalawig sa Bangsamoro Transition Authority ng tatlo pang taon mula June 30,2022 hanggang June 30, 2025.
Ang mga petitioners na mula sa iba’t ibang panig ng BARMM ay sina Arnold Padayhag, Likie Angas, Sahabudin Mansag, Abdulkhair Alimasa, Arab Ampaso, Regie Agustin, Isidro Alejaga, Mamakan Latip, Basser Kudales, Rey Norberto Directo Jr., Marvin Baisara, Kadir Salik, Altun Angele, Saliakram Adduh at Gamal Hayudini, ang grupo ay pinangunahan ni Dr. Abdul Pagayao.
Sila ay nirepresenta ng kanilang mga abugado na sina Atty. Hannief Ampatuan at Atty. Badrodin Mangindra.
Ang hakbang ay kasunod ng pagtutulak ng Senate Bill 2862 at House Bill 11034 na naglalayon na i-reset ang BARMM elections sa May 11, 2026 mula sa orihinal na petsa sa May 12, 2025.
Ayon sa grupo, walo na ang naipasang batas na nagpaliban sa halalan sa Autonomous Region sa halos labindalawang taon.
Umaasa ang grupo na agad tutugon ang Korte Suprema sa kanilang petisyon.
Comments