top of page

DISTRICT REPRESENTATIVES NG BARMM PARLIAMENT POSIBLENG 25 LANG ANG MAHALAL NGAYONG 2025 ELECTIONS KUNG HINDI MA-REALLOCATE ANG 7 SEATS NA NAUNANG INILAAN SA SULU

iMINDSPH



Posibleng dalawampu’t lima lamang sa tatlumpo’t dalawang district representatives ng BARMM Parliament ang mahahalal sa susunod na taon kapag hindi naipasa ang batas hinggil sa reallocation ng pitong seats na naunang nakalaan sa Sulu bago idineklara ng Supreme Court ang lalawigan na hindi na bahagi ng BARMM.


Sa ibinahaging impormasyon ni COMELEC BARMM Regional Director Ray Sumalipao-


Isa sa mga rekomendasyon aniya ng COMELEC en Banc sa BTA parliament ay i-reallocate ang pitong seats.


Pero ayon sa opisyal, nakikita rin ng COMELEC En Banc na mukhang mahihirapan na magpasa ng panibagong batas hinggil dito dahil sa kakulangan ng oras. Kaya maaring maiiwan itong bakante at maaring i-appoint na lamang aniya ang mga ito. Pero pagbibigay diin ng opisyal, wala pang specific legal basis hinggil dito.


Ang BARMM Parliament ay bubuuhin ng walompong miyembro. Tatlumpo’t dalawa ang district representatives, apatnapu ang party representatives at walo ang sectoral representatives.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page