top of page

DELEGADO MULA THAILAND HOUSE OF REPRESENTATIVES AT BANGSAMORO PARLIAMENT, NAGPULONG HINGGIL SA MATAGUMPAY NA PEACE PROCESS SA REHIYON

iMINDSPH



Tinalakay sa pulong sa pagitan ng Bangsamoro Parliament at Kingdom of Thailand's House of Representatives at Bangsamoro Parliament ang matagumpay na peace process ng Bangsamoro Autonomous Region.



Isinagawa ang pulong araw ng Miyerkules. Ang delegado ng Thailand ay pinangunahan ni Member of Parliament Romadon Panjor, na nagsisilbi rin na vice chair ng Ad Hoc Committee on Considering, Studying, and Proposing Guidelines para sa pagsusulong ng Peacebuilding Process.


Isinalarawan naman ni Panjor na isang oportunidad para makakuha ng mga insights hinggil sa peacebuilding efforts sa BARMM na makakatulong para maresolba ang gulo sa bahagi ng southern Thailand.


Nagbahagi naman ng karanasan at kinaharap na hamon sa pagpapatupad ng peace process sa rehiyon sina Speaker Pangalian Balindong, kasama si Deputy Speakers Omar Yasser Sema, MP Lanang Ali Jr., MP Laisa Alamia, at MP Eddie Alih.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page