top of page

COMELEC AT SECURITY SECTOR, ALL SET NA PARA SA NALALAPIT NA PAGHAHAIN NG CERTIFICATE OF CANDIDANCY

iMINDSPH



Ilan ang bilang ng mga indibidwal na papayagang sasama sa isang kandidato na papasok sa tanggapan ng COMELEC sa paghahain ng Certificate of Candidacy. Paano naman maiiwasang magkainitan ang supporters ng mga kandidato kung sakaling nagkasabay na naghain ng COC ang mga ito. Ilan lamang ang usapin sa tinalakay sa ginanap na Coordinating Conference na ikinasa ng COMELEC BARMM sa pagitan ng security sector, MILG at election watchdogs.


All set na ang COMELEC para sa nalalapit na paghahain ng Certificate of Candidacy mula October 1 hanggang 8 para sa local at national positions at November 4 hanggang 9 naman para sa BARMM parliament positions.


Pero bago ang paghahain ng COC, isinagawa ng COMELEC BARMM ang coordinating conference sa pagitan ng security sector, MILG at election watchdogs.


Bukod sa calendar of activities na inilatag ng COMELEC, tinalakay din sa pulong ang ipatutupad na seguridad ng otoridad.


Nilinaw din sa pulong ang bilang ng indibidwal na papayagang sasama sa kandidato sa paghahain ng COC sa COMELEC


Sa kanilang mensahe, umaasa ang bawat dumalo sa pulong ng pagtutulungan at pagtiyak ng isang mapayapang halalan sa BARMM.








Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page