top of page

BIGAS, FOOD PACKS, AT AGRICULTURAL PRODUCTS, HANDOG NG PROJECT TABANG SA MARKADS AL-NOR NG BASILAN, AT SA BAYAN NG BUTIG, LANAO DEL SUR

iMINDSPH



Dalawampu’t limang sako ng tig-25 kilos ng bigas at food packs tulad ng pitong kahon ng canned goods, labing apat na kahon ng noodles, pitong kahon ng powered milk, limang sako ng tig-limang kilo na asukal at limang gallon ng mantika, ang ipinamahagi ng Project TABANG sa Markadz Al-Nor, Isabela, City, Basilan.



Nakatanggap naman ng agricultural products tulad ng Ammonium Sulphate, Agricote MZ Fungicide, Growth and Yield Booster, at foliar fertilizers ang mga kooperatiba ng Butig, Lanao del Sur.


Ito ay Calamity Response ng opisina ni Chief Minister Ahod Ebrahim, sa pamamagitan ng Project TABANG.


Ang distribusyon ay isinagawa araw ng Martes, ika-labing siyam ng Nobyembre, na pinangunahan ng Provincial Coordinating Team, kasama ang United Youth for Peace and Development (UNYPAD) sa pangunguna ni Director Anshri Diamaoden.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page