iMINDSPH
Mariin na kinondena ni Basilan District Representative Mujiv Hataman ang nangyaring engkwentro sa bayan ng Sumisip kung saan dalawang sundalo ang nasawi at labindalawa ang sugatan.
Nanawagan din ito na i-review ang peace agreements at mechanisms at magsagawa ng masusing imbestigasyon sa insidente.
Nakaka alarma aniya na nangyari ito sa pagbisita ng mga UNDP na matagal nang sumusuporta sa peace process sa probinsya.
Nanawagan ito ng mabilisang imbestigasyon at resolusyon sa insidente.
Ipinaabot din nito ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga sundalong nasawi.
Comments