top of page

Bagong Science High School, itatayo ng BARMM Government sa Parang, Maguindanao del Norte

iMINDSPH



Isinagawa na ang groundbreaking para sa konstruksyon ng bagong Science High School sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.



Ang proyekto na pinangungunahan ng Ministry of Science and Technology o MOST ay naglalayon na mapahusay ang learning environment ng mga kabataan at ihanda ang mga ito para sa kanilang karera sa science and technology.



Naniniwala si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim na ang edukasyon ang susi sa kapayapaan at pagpapanatili ng kaunalaran sa rehiyon.


Ang pagtatatag ng Bangsamoro Science High School ay naging posible kasunod ng pagsasabatas sa Bangsamoro Autonomy Act No. 40, o ang Bangsamoro Science High School System Act of 2023.


Ang proyekto ay pinondohan mula sa Special Development Fund sa ilalim ng liderato ni Education Minister Mohagher Iqbal.


Ayon kay Minister Iqbal, ang proyekto ay patunay ng dedikasyon ng BARMM sa pagpapaunlad pa ng kalidad ng edukasyon sa rehiyon.


Sa itatayong Bangsamoro Science High School, mayroon itong academic buildings, cultural center, advanced science and technology, dormitory, multi-purpose facilities, swimming pool, football at track and field, badminton at volleyball courts.


Sinabi ni MOST Minister Eng. Aida Silongan sa seremonya na ang proyekto ay magbibigay ng equal opportunities para sa Bangsamoro youth upang ipagpatuloy ang kanilang educational aspirations.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page