iMINDSPH
Bago mag-adjourn ang House of Representatives sa sesyon, araw ng Miyerkules, in-impeach ng Kamara si Vice President Sara Duterte matapos suportahan ng 215 kongresista ang inihaing ika-apat na impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.
Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, humigit pa sa kinakailangang bilang ng mga kongresista ang lumagda sa 4th impeachment complaint laban sa Bise Presidente.
11 House Members naman ang nahalal bilang prosecutors sa impeachment trial. Ito ay kinabibilangan ni Minority Leader Marcelino Libanan, Reps. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Romeo Acop, Ramon Rodrigo Gutierrez, Joel Chua, Raul Angelo “Jil” Bongalon, Loreto Acharon, Arnan Panaligan, Ysabel Maria Zamora, Lorenz Defensor, at Jonathan Keith Flores.
Nasa opisina na ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Pasado alas-4:30 ng hapon dumating sa Senado si House Secretary General Reginald Velasco upang ihatid ang Articles of Impeachment, base sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.
Kabilang dito ang listahan ng 215 kongresista na pumirma pabor sa impeachment at ang listahan ng mga tatayong prosecutor sa kaso.
Ayon kay Velasco, nakadepende na ngayon sa Senado ang susunod na magiging hakbang kaugnay ng usaping ito, at nirerespeto nila anuman ang maging desisyon ng Mataas na Kapulungan.
Comments