top of page

6 SUGATAN SA VEHICULAR ACCIDENT SA DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO DEL NORTE NA KINASASANGKUTAN NG ISANG PICK UP AT DUMP TRUCK

iMINDSPH



Ito ang kuhang video ni Azarioc Pay sa vehicular accident alas 10:30 kaninang umaga sa National highway, partikular sa Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.



Sangkot sa aksidente ang isang kulay itim na pick up na minamaneho ni Ryan Goto Batallones, 38-anyos, isang sundalo at residente ng Awang, Datu Odin Sinsuat.



Sakay nito si Nectar Precious Hope Mamon na residente ng Isulan, Sultan Kudarat.


Habang minamaneho naman ni Datu ILO Mantawil Utto, ang dump truck.


Sakay nito sina Mama Tawing, 49-anyos, isang karpentero-

Hunting Omar, 40-years old, at Tammy Mudzol, 48-anyos.


Ayon sa Datu Odin Sinsuat PNP-


Galing ng Cotabato City ang sinasakyan nina Batallones at Mamon-


Mula naman sa Datu Odin Sinsuat patungong Cotabato City ang dump truck.


Parehong na-damage ang dalawang sasakyan.


Agad dinala sa Cotabato Regional and Medical Center ang mga pasahero ng dalawang sasakyan na parehong nagtamo ng physical injury.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad sa insidente.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page