top of page

57-anyos na Transportation Regulation Officer II ng BARMM Land Transportation Office, patay sa pamamaril sa Inug-ug, Pikit, Cotabato Province

iMINDSPH



Patay sa pamamaril ang 57-anyos na Transportation Regulation Officer II ng BARMM Land Transportation Office sa Inug-ug, Pikit, Cotabato.



Kinilala ang biktima na si Johnson Kalimi Endil, residente ng Sitio Proper, Matalam Street, Barangay Inug-ug, Pikit, Cotabato.


Base sa report ng Pikit Municipal Police, nililinis ng biktima ang kanyang pick up nang dumating sa lugar ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.


Bumaba ang angkas nito at agad binaril ang biktima.


Narekober sa lugar ang pitong fired cartridges na mula sa pinaniniwalalang mula sa caliber .9mm.


Wala pang pagkakakilanlan ang mga supsek ayon sa otoridad at hindi pa tukoy ang motibo sa krimen.

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page