top of page

41 years old na babae, tiklo sa drug buy-bust operation sa Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City

iMINDSPH


Tiklo ang isang apatnapu’t isang taong gulang na babae sa drug buy-bust operation.


Kinilala sa alyas na “Namor” ang suspek na residente ng San Jose Street ng nabanggit na barangay.


Inaresto ito matapos mabilhan ng nagpanggap na poseur buyer ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa halagang 250 pesos.


Tumitimbang ang hinihinalang iligal na droga ng 0.04 grams na may standard price na 272 pesos.


Narekober din sa kanyang posesyon ang buy-bust money.


Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Nasa Cotabato City Police Female Custodial facility na ang naarestong indibidwal.


Ang operasyon ay inilunsad ng mga elemento ng Police Station 3 sa pamumuno ni Police Captain Teofisto Ferrer Jr.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page