iMINDSPH
![](https://static.wixstatic.com/media/3b9ecd_c6eb50aa6b3d4fe5828fde3c92fbc582~mv2.png/v1/fill/w_742,h_657,al_c,q_90,enc_auto/3b9ecd_c6eb50aa6b3d4fe5828fde3c92fbc582~mv2.png)
Patay ang isang 38-anyos na magsasaka matapos barilin sa Datu Odin Sinsuat.
Kinilala ang biktima na si Morsid Abdulnasser. Binaril ang biktima sa Zone 4, Brgy Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte alas 11:40 ng umaga, a-8 ng Pebrero, ang lugar kung saan residente din ang biktima.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police, naglalakad ang biktima sa lugar nang lapitan at barilin ng suspek na nakasuot ng long sleeves at mint green pants.
Anim na basyo ng bala ang narekober sa pinangyarihan ng insidente.
Blanko pa ang otoridad sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin.
Comentários