top of page

32-anyos na magsasaka na residente ng Sultan sa Barongis, patay sa pamamaril sa General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur

iMINDSPH

Nasawi ang isang 32-anyos na magsasaka mula sa bayan ng Sultan sa Barongis matapos barilin sa General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur.


Kinilala ang biktima na si Nasrudin Kamidon.


Binaril si Kamidon sa Barangay Lao-Lao, GSKP ala 12:45 ng hapon.


Sa imbestigasyon ng otoridad, minamaneho ng biktima ang motorsiklo nito nang barilin ng hindi pa kilalang suspek.


Tinamaan sa leeg ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.


Agad tumakas ang mga may gawa ng krimen ayon sa otoridad.


Wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek at hindi pa tukoy ng otoridad ang motibo sa krimen.

Kommentarer

Betygsatt till 0 av 5 stjärnor.
Inga omdömen ännu

Lägg till ett betyg

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page