iMINDSPH
Umaga noong November 25, 2024 nang mahuli ng isang mangingisda sa Barangay Linao, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte ang isang pawikan.
Ayon sa imbestigasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan, inadobo ng mga residente sa lugar ang nahuling pawikan.
November 26, ayon sa MDRRMO ng Datu Blah Sinsuat, nagsimulang makaramdam ng pananakit ng tiyan at dumanas ng pagtatae ang ilan sa mga kumain.
November 27 ng gabi nang tumawag na ang mga residente sa mga opisyal ng barangay at isinugod na sa pagamutan ang unang pitong indibidwal na kumain ng inadobong pawikan.
Kung saan, tatlo sa mga ito ang na-confine at outpatient naman ang apat.
November 27 din, nasawi ang mga alaga nilang pusa at aso na nakakain ng inadobong pawikan.
November 28, dalawang bata pa na kumain din ng inadobong pawikan ang isinugod sa ospital.
At sa araw na ito, pumanaw ang isa sa tatlong na-admit na naunang dinala sa pagamutan
Mula sa Sultan Kudarat District Hospital sa Lebak, dinala ang dalawang unconcious sa Cotabato Regional and Medical Center.
Nang mapag alaman ng ospital, agad nagbigay ng payo ang CRMC, na lahat ng nakakain ng inadobong pawikan ay dalhin na sa kanilang pagamutan para maobserbahan.
Labing anim na residente ang dinala ng local government unit ng Datu Blah sa CRMC noong gabi ng November 28.
November 30 nang, bawian ng buhay ang dalawang unconscious na pasyente.
December 1 nang dinala na ang iba pang mga nakakain ng inadobong pawikan sa CRMC.
Sa kabuuan, Tatlumpo’t dalawa ang bilang ng mga mag-anak at kapitbahay na kumain ng inadobong pawikan na isinugod sa pagamutan.
Tatlo ang nasawi at dalawampu’t siyam ang inobserbahan, ilan sa mga ito ang nakalabas na ng ospital.
Siyam sa mga inobserbahan ay babae, 23 ang lalaki, kabilang na ang isang senior citizen, pito na mga bata at dalawang buntis.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Datu Blah Sinsuat, matagal nang ipinagbabawal ang paghuli at pagkain ng pawikan.
Ayon sa MDRRMO, nasa kustodiya na nila ang mangingisda na nakahuli ng pawikan.
Comments