iMINDSPH
Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM ang 3.4 million pesos na halaga ng suspected shabu sa ikinasang operasyon sa Lanao del Sur. Arestado rin ang dalawang high value target sa operation.
Isinilid sa isang plastic bag ang mahigit kumulang limang daang gramo ng pinaniniwalaang shabu nang masamsam ng otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Poblacion, Saguiaran, Lanao del Sur, 14 ng Enero.
Nagkakahalaga ito ng 3.4 million pesos. Nakuha rin sa operasyon ang buy-bust money, identification card, cellphone at motorsiklo.
Arestado namang ang dalawang high value target na kinilala sa alyas na “Papad” at “Adina”.
Nakakulong na ang mga ito sa PDEA BARMM Jail Facility habang hinihintay ang inquest proceedings sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA BARMM, 45th Special Action Force, PNP Special Action Force, at Drug Enforcement Officers ng PDEA Lanao del Sur Provincial Office.
Comentarios